Maliwanag na nais niyang maging senador upang patuloy na paglingkuran ang interes ng kanyang pamilya.
Maliwanag na mananatili sa kapangyarihan at maghahari ang mga Angara hindi lamang sa Aurora na itinuturing nilang balwarte kungdi maging sa buong Pilipinas.
Maliwanag na mangyayari ito kung iboboto natin si Sonny Angara Jr. sa Senado.
At kung ikaw ay magagawi sa Aurora, maiintindihan mo kung bakit Angara ng buhay.
Sa Aurora ang kasalukuyang gobernador ay si Bellaflor Angara-Castillo, ang tiyahin ni Sonny at kapatid ni Sen. Edgardo Angara.
Ang mayor ng Baler, Aurora ay si Arthur Angara, kapatid din ni Sen. Edgardo Angara.
At alam naman ng karamihan na si Cong. Sonny Angara Jr. ay anak ni Sen. Edgardo Angara.
Samakatuwid, Angara ang senador, Angara ang kinatawan sa kongreso, Angara ang gobernador at Angara ang Mayor. Angara di ba?
At ngayong halalan, si Arthur Angara ay tatakbo bilang gobernador. Si Bellafor Angara-Castillo ay kumakandidato bilang kongresista, at si Sonny Angara Jr. ang nais pumalit sa kanyang ama sa senado.
Pero hindi dito nagtatapos ang kwento.
Kumakanditato rin bilang bise-gobernador si Rommel Rico Teh Angara, pamangkin ni Sen. Eduardo Angara na dating provincial board member ngunit natalo bilang bise gobernador noong 2010.
Isa pang Angara, si Oliver Ian Angara Abordo ay kumakandiato bilang board member.
Walastik.
At si Edgardo Angara Sr.? Maraming nagsasabi na napilitan siya na hindi kumandidato bilang gobernador ng Aurora at bagkus tutukan ang kampanya ng kaniyang pamilya dahil lumalaki ang alon laban sa kanyang pamilya sa lokal na labanan.
Ayon sa mga nagmamasid, nauumay na ang mga taga-Aurora sa mga Angara kaya’t nagkaisa ang mga magkakatunggaling politiko sa lalawigan upang labanan ang mga Angara at tapusin ang kanilang paghahari.
Huwag din nating kalimutan na si Sen. Eduardo Angara Sr. ang isa sa pangunahing authors ng Anti-Cybercrime Law.
Dahil dito, nakakatakot na maupo si Sonny Angara Jr. sa Senado dahil siguradong siya ay magiging tuta lang ng kanyang ama.
Baka sa susunod ay hindi lang Anti-Cybercrime Law ang ipipilit ng mga Angara sa mamamayang Pilipino.
Ang garapal di ba?
Kaya’t sa Mayo, tapusin ang kagarapalan ng mga Angara. Sonny Angara Jr. huwag iboto sa Senado!!!