Wednesday, February 20, 2013

Angarapal


Maliwanag pa sa sikat ng araw sa Aurora Province, na hindi para sa kapakanan ng mamamayan kungdi ng kanyang pamilya ang nagbubunsod upang maging senador si Cong. Sonny Angara Jr.

Maliwanag na nais niyang maging senador upang patuloy na paglingkuran ang interes ng kanyang pamilya.

Maliwanag na mananatili sa kapangyarihan at maghahari ang mga Angara hindi lamang sa Aurora na itinuturing nilang balwarte kungdi maging sa buong Pilipinas.

Maliwanag na mangyayari ito kung iboboto natin si Sonny Angara Jr. sa Senado.